BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Miyerkules, Marso 9, 2011

kaybilis lumipas ang nakaraan
parang kailan lamang ng ika'y unang nahagkan.
pag-ibig na sayo lamang naramdaman.
pangakong tila wala nang katapusan.
ngiti sa labi ay di mapaparam.

ngunit bakit anong kinahinatnan?
pag-ibig na sayo lamang inilaan.
pangarap na sayo lamang namasdan.
araw-panahong hindi na mabilang.
pagka't ikaw ang daigdig na nais pakibagayan.

siguro nga'y lahat nagwawakas
panahon ma'y kaybilis lumipas
bawat ngiti sa labi'y may katapusan
nguni't pag-ibig sayo'y di magwawakas
pagka't sa puso'y laging mababakas.

Alam mong mahal na mahal
Di magbabago hanggang sa huling hininga.
At lahat gagawin, muling makasama ka.
Mapaglalabanan lahat ng pagdurusa.

0 (mga) komento: